02 March 2012

{M} Reading newspapers, interesting or boring?

{M}
The blog contains mixed Filipino and English languages.


This semester,  I have one subject named "Extensive Reading of Magazines and Papers I". By the title itself, oh no, don't make us fool around here, it's a newspaper reading subject! Magazine ka d'yan?!


(Above) A screenshot from my Jinan University student account.
I do read newspapers, however, I don't read the entire of it, let's say from front page to back page...it would take me days or even weeks to finish reading 'em all.


I remember back in my early days ('kala mo ganon na katanda 'no? "Early days"? Ngehehe!), comics lang binabasa ko, kahit hindi ako natatawa kasi hindi ko naintindihan, basta 'yun lang yung binabasa ko, puro drawing kasi. I did not care about the headlines at iba pang balita na hindi naman ako nakaka-relate before.


Nung lumaki-laki na 'ko, iba na hanap ko, crossword puzzles na pinaghihirapan kong makumpleto, pati 'yung Sudoku sa Abante Tonite ata 'yun, hindi ko pinalalampas.


Nagkaroon lang ako ng interes magbasa dahil sa mga nangyayari sa pulitika ng Pilipinas, simula nung nag-Hello Garci scandal. Dati "takot" ako sa mga broadsheets, pero makita ko lang 'yung headline mas lalo na 'pag about politics, kering-keri ko nang basahin ngayon.


But then, I must tell you that here in China, I had barely seen any English language newspaper, lahat ng diyaryo dito puro in Chinese! 'Yung iba pa nga in Cantonese pa.


Lagot kang bata ka!


Nung bagong dating ako dito, I tried myself if I can understand Chinese newspaper, bumili ako ng isa, worth RMB1.00 (~PHP7.00, 32 paged tabloid). Hindi ko na nga maalala anong nabasa ko e...that means, konti o wala talaga akong naintindihan.


Ayun, ginawa na lang naming props para sa International Culture Fest last May 2011.


Wehehe!


First year pa lang ako, I'm aware of this subject na, na talagang ma-e-encounter ko itong subject na ito. I was quite nervous at that time. Praying na 'wag muna 'tong ibigay sa amin on our first year, 'cause admittedly, my foundation of Chinese proficiency in those days is not sufficient for me to understand Chinese newspapers.


Thank God hindi siya nagpakita sa class schedule namin last academic year.


At heto na nga, bulaga! Hahahahaha...pa'no ba 'to, Joe?


"You have to choose me......"


Whew! Sana babae ka na lang, I'll choose you without hesitation talaga!


"Two units pa naman ako, 'di ba gusto mong mapuno 24 units mo this sem? Come on, click, click, click! Choose me!"


Sige na nga! Click!


That subject has been chosen by me last Tuesday. Enrolled na 'ko sa subject na reading of magazines and papers kuno, e nung pinakilala ng prof namin what to expect on her subject, wala siyang nabanggit anything about magazines. Magnu-news report pa nga e in front of the class.


Isa pang ipina-assignment niya is that magbabasa daw kami ng newspaper every week. What? Every week?


Papakita ko sa inyo ang nabili kong newspaper kung ga'no siya kakapal.
Look below.


Do you think matatapos ko 'yan ng sanlinggo? What-a-men! Sana 50 hours na lang sa isang araw, pero that would be contradictory to my original hope na sana bumilis ang oras para makabalik na rin ako kaagad sa 'Pinas.


Pero you know what, sa wakas may mga naintindihan na akong news reports. Isa na dito 'yung isang college freshman na for three days nang nawala kasi 'ika niya sa text message niya sa mga magulang niya na pagod na daw siya at matutulog na daw siya. Ayon, natagpuan na lang ang bangkay niya palutang-lutang sa isang ilog.


And may isang comic strip dito na natawa naman ako. Ipo-post ko bukas (3rd March '12) sa FB Primetime fan page.


'Yung iba namang balita ay tungkol naman sa pagdadagdag daw ulit ng isa pang city vice mayor ng Guangzhou at sa hirit na pagbaba ng presyo ng mga apartment at condo dito...


...which are wala namang kinalaman sa akin bilang isang overseas Filipino student.


Sinabi naman ng aming prof sa naturang subject na ang obhektibo niya ay para mamulat naman kami sa kung anong mga pangyayari sa Tsina.


Sana this subject will truly be able not only to improve my Chinese, but also to understand more about them.


Now, I think this subject will gonna be interesting. Kahit na medyo sinungaling yung pangalan ng subject. Don't judge the book by its cover nga naman.


Update ko nalang kayo sa grades na ibibigay ni Prof.


Pagtapos nito, may ""Extensive Reading of Magazines and Papers II" pa.


Oh no, not again.


Pero okay lang, last na yun e. Tapusin ko muna itong una.


>> rrj@chn_2012-03-02

No comments: